Kayo po ay inaanyayahang dumalo sa Ika-59 na Pangkalahatang Pulong (General Assembly Meeting) ng UPLB Credit and Development Cooperative na gaganapin sa ika-27 ng Pebrero 2016 (SABADO), sa D. L. Umali Hall sa ganap na ika-1:00 n.h. Ang pagpapatala (registration) ay magsisimula ng ika-8:00 n.u. hanggang ika-2:00 n.h.
HANAY NG GAWAIN (Order of Business):
Ang Halalan (Election) ay gaganapin sa ika-04 ng Marso 2016 (Biyernes) sa Maquiling School, Inc., mula ika-7:00 n.u. hanggang ika-3:00 n.h.
Ang Pangkalahatang Pulong ay ang pinakamataas na pagpupulong sa ating Kooperatiba kung saan ginagawa ang mahahalagang desisyon. Nakatakda sa Saligang Batas ng ating Kooperatiba na ang pagdalo sa pagpupulong na katulad nito ay isa sa mga tungkulin ng bawat kasapi at ang patuloy na hindi pagtupad sa mga tungkulin at responsibilidad ay maaring dahilan upang itiwalag ang isang kasapi.
Ipinaaabot din namin na ang isang kasaping SUSPENDIDO (Member Not Entitled to Vote) ay maaring dumalo, subalit, hindi pinahihintulutang magpatala at makilahok sa talakayan at hindi rin maaring bumoto. Mangyari po na pumunta o makipag-ugnayan sa alin mang sangay ng ating tanggapan bago ang nakatakdang pagpupulong upang alamin ang inyong katatayuan bilang kasapi (status of membership). Hindi rin po pinahihintulutan ng ating Saligang Batas ang pagpapadala ng kahalig o “PROXY” sa anumang pagpupulong ng Kooperatiba. Kung hindi kayo makakarating, mangyaring magpadala kayo ng liham tungkol sa inyong hindi pagdalo.
Sa ikaaayos at ikabibilis ng ating pagpapatala, hinihiling po na ipakita ang anumang “Valid ID” sa tagapamahala ng “BOOTH” kung saan po kayo nakatalaga at tanggapin ang inyong cash slip.
Paalala:
(1) Maaari nang makuha ang sipi ng taunang ulat sa tanggapan ng UPLBCDC simula sa ika-15 ng Pebrero, 2016.
(2) Mangyaring dalhin ang inyong sipi sa pulong.