Amendments to the UPLBCDC By-Laws by Substitution 


    Sa nagdaang tatlong taon (2010-2012) ay inilahad sa ating kasapian ang mga panukalang pagbabago sa ating saligang batas (By-laws) upang i-ayon sa bagong batas pang-kooperatiba na Republic Act (RA) 9520. Sumang-ayon ang nakakarami, subalit hindi naging sapat ang kinakailangang bilang na boto na dapat ay 2/3 ng mga kasapi upang maratipikahan ang saligang batas.

    Sa ating pakikipag-ugnayan sa Cooperative Development Authority (CDA) ay napag-alaman natin na maaaring mag-amyenda sa pamamagitan ng substitution (CDA Memorandum Circular No. 2011-20: Guidelines on the Registration of Amendments of Articles of Cooperation and By-Laws by Substitution). Ito ay sa pamamagitan ng paggamit sa Model By-laws na binalangkas ng CDA.

    Kaugnay nito, nais naming muling ipaabot sa inyo ang panukalang pag-amyenda sa ating saligang batas batay sa model By-laws. Kalakip nito ay ang panukalang saligang batas para sa kaalaman ng lahat. Hinihingi namin ang inyong tulong sa pagpapalaganap nito sa ating mga kasapi upang ating maabot ang kinakailangan na bilang ng boto. Ang pag-amyenda sa saligang batas ay sang-ayon sa RA 9520 na ipinatutupad ng CDA na kailangang sundin upang ang ating kooperatiba ay patuloy na makatanggap ng mga pribilehiyo na ibinibigay ng pamahalaan.

    Inaasahan namin ang inyong suporta sa darating na Pangkalahatang Pagpupulong at Eleksyon ng mga Opisyales (General Assembly Meeting and Election of Officers) na gaganapin sa Marso 2013 upang maratipikahan ang ating saligang batas. Ipinapanukala namin ang inyong pagboto ng “OO” sa katanungang “Pumapayag ba kayong i-ayon ang ating saligang batas sa RA 9520?”

Date: 2.1.2013



UPLBCDC celebrates its golden year 

    Commencing with a motorcade around the UPLB campus and Los Baños community, the Cooperative headed by its officers and management staff commemorated its 50th Founding Anniversary last May 3, 2011. After the parade, a simple thanksgiving service led by Mrs. Iluminada V. Gomez, BOD Chair, was held at the N.B. Tablante Hall, Sacay Grand Villas, College, Laguna. To celebrate its 50th year as the leading coop in Laguna and the 2nd largest coop in Region IV, the UPLBCDC has lined many projects, such as medical/dental missions, tree-planting activities, among others for the whole year. Looking back to its humble beginnings, it was on May 3, 1961 when the UP Los Baños Credit and Development Cooperative (UPLBCDC), headed by Dr. Nathaniel B. Tablante, Sr. started its operations as the UP College of Agriculture Credit and Cooperative Union, Inc. With an initial membership of 173, the number of members has grown to 6,870 regular and 2,131 associate members (as of June, 2011). Through the years, the Coop has evolved from an UPLB-based institutional cooperative into a stable community-based and multipurpose coop.