Sa nagdaang tatlong taon (2010-2012) ay inilahad sa ating kasapian ang mga panukalang pagbabago sa ating saligang batas (By-laws) upang i-ayon sa bagong batas pang-kooperatiba na Republic Act (RA) 9520. Sumang-ayon ang nakakarami, subalit hindi naging sapat ang kinakailangang bilang na boto na dapat ay 2/3 ng mga kasapi upang maratipikahan ang saligang batas. Sa ating pakikipag-ugnayan sa Cooperative Development Authority (CDA) ay napag-alaman natin na maaaring mag-amyenda sa pamamagitan ng substitution (CDA Memorandum Circular No. 2011-20: Guidelines on the Registration of Amendments of Articles of Cooperation and By-Laws by Substitution). Ito ay sa pamamagitan ng paggamit sa Model By-laws na binalangkas ng CDA. Kaugnay nito, nais naming muling ipaabot sa inyo ang panukalang pag-amyenda sa ating saligang batas batay sa model By-laws. Kalakip nito ay ang panukalang saligang batas para sa kaalaman ng lahat. Hinihingi namin ang inyong tulong sa pagpapalaganap nito sa ating mga kasapi upang ating maabot ang kinakailangan na bilang ng boto. Ang pag-amyenda sa saligang batas ay sang-ayon sa RA 9520 na ipinatutupad ng CDA na kailangang sundin upang ang ating kooperatiba ay patuloy na makatanggap ng mga pribilehiyo na ibinibigay ng pamahalaan. Inaasahan namin ang inyong suporta sa darating na Pangkalahatang Pagpupulong at Eleksyon ng mga Opisyales (General Assembly Meeting and Election of Officers) na gaganapin sa Marso 2013 upang maratipikahan ang ating saligang batas. Ipinapanukala namin ang inyong pagboto ng “OO” sa katanungang “Pumapayag ba kayong i-ayon ang ating saligang batas sa RA 9520?” Date: 2.1.2013